32Ang alinmang bagay na mahulugan ng patay na katawan nito ay magiging marumi, maging itoʼy yari sa kahoy, tela, balat, o sako at ginagamit kahit saan. Itoʼy dapat hugasan ng tubig, ngunit ituturing pa ring marumi hanggang sa paglubog ng araw.
33Kung ang isang palayok o banga ay nahulugan ng patay na hayop na ito, ang lahat ng laman sa loob nito ay marumi na, at itoʼy dapat nang basagin.
34Ang lahat ng pagkain na nilagyan ng tubig mula sa bangang iyon ay marumi na. At marumi na rin ang anumang inumin na nasa bangang iyon.
35Ang alinmang mahulugan ng patay na katawan ng mga iyon ay magiging marumi. Kapag ang nahulugan ay pugon o palayok, ituring ninyong marumi iyon at dapat basagin.
36Ang batis o balon na mahulugan ng kanilang patay na katawan ay mananatiling malinis, ngunit ang sinumang makahipo ng patay na katawan na iyon ay magiging marumi.