53“Ngunit kung sa pagsusuri ng pari ay nakita niyang hindi naman ito kumakalat,
54palalabhan niya ang damit o balat na iyon, at ibubukod sa loob ng pitong araw.
55Pagkatapos ng pitong araw, muli itong titingnan ng pari. Kung ang amag ay hindi nagbabago ang kulay, ang damit o balat na iyon ay ituring na marumi kahit hindi na kumalat ang amag, at dapat sunugin, nasa labas man o nasa loob ng damit ang amag.
56Ngunit kung sa pagsusuri ng pari ay nakita niyang kumukupas ang amag, punitin na lang niya ang bahaging iyon ng damit o balat na may amag.