Leviticus 14

Lalabas ang pari sa kampo at susuriin niya ang katawan ng taong iyon. Kung gumaling na nga ito sa kanyang sakit,

1Sinabi ng Panginoon kay Moises,

2Ito ang mga tuntunin tungkol sa paglilinis ng taong gumaling sa malubhang sakit sa balat kapag sila ay iniharap sa pari:

3Lalabas ang pari sa kampo at susuriin niya ang katawan ng taong iyon. Kung gumaling na nga ito sa kanyang sakit,

4magpapakuha ang pari ng dalawang malinis na ibong buhay, ilang kahoy na sedro, panaling pula, at isang kumpol ng halamang isopo.

5Ipapapatay ng pari ang isang ibon sa ibabaw ng palayok na may tubig na galing sa isang bukal.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.