3Lalabas ang pari sa kampo at susuriin niya ang katawan ng taong iyon. Kung gumaling na nga ito sa kanyang sakit,
4magpapakuha ang pari ng dalawang malinis na ibong buhay, ilang kahoy na sedro, panaling pula, at isang kumpol ng halamang isopo.
5Ipapapatay ng pari ang isang ibon sa ibabaw ng palayok na may tubig na galing sa isang bukal.
6Pagkatapos, kukuha siya ng buháy na ibon, kahoy na sedro, taling pula, at halamang isopo, at ilulubog lahat sa tubig na may dugo ng pinatay na ibon.
7At ang tubig na may dugo ay iwiwisik niya ng pitong beses sa taong gumaling sa sakit sa balat, at ipapahayag niya na malinis na ang taong iyon. At pagkatapos, pakakawalan ng pari ang buháy na ibon sa bukid.