6Ang sinumang uupo sa anumang inupuan ng isang lalaking may tulo ay kinakailangang maglaba ng kanyang damit at maligo, ngunit ituturing pa rin siyang marumi hanggang sa paglubog ng araw.
7“ ‘Ang sinumang makahipo sa kanya ay kinakailangang maglaba ng kanyang damit at maligo, ngunit ituturing pa rin siyang marumi hanggang sa paglubog ng araw.
8“ ‘Kapag ang isang taong itinuturing na malinis ay dinuraan ng taong ito, kailangang labhan nila ang kanilang damit at maligo. Ngunit silaʼy ituturing pa ring marumi hanggang sa paglubog ng araw.
9“ ‘Ang anumang maupuan ng taong ito, katulad ng upuang ginagamit kapag sumasakay sa kabayo ay magiging marumi. Ang sinumang makahipo ng mga bagay na iyon ay kinakailangang maglaba ng kanyang damit at maligo, pero ituturing pa rin siyang marumi hanggang sa paglubog ng araw.