5Ang mamamayan ng Israel ay magbibigay sa kanya ng dalawang lalaking kambing bilang handog para sa kasalanan, at isang lalaking tupa bilang handog na sinusunog.
6“Ihahandog ni Aaron ang batang toro bilang handog para sa kasalanan para maging malinis siya at ang sambahayan niya.
7Pagkatapos, kukunin niya ang dalawang kambing at dadalhin din niya sa presensya ng Panginoon, malapit sa may pintuan ng Toldang Tipanan.
8At sa pamamagitan ng palabunutan, pipiliin niya kung alin sa dalawang kambing ang para sa Panginoon at ang kambing na magdadala ng kasalanan ng mga tao.
9Ang kambing na nabunot na para sa Panginoon ay ang ihahandog niya bilang handog para sa kasalanan.