3“Ganito ang gagawin ni Aaron sa araw na papasok siya sa Pinakabanal na Lugar: Magdadala siya ng batang toro bilang handog para sa kasalanan at lalaking tupa bilang handog na sinusunog.
4Kinakailangang maligo muna siya at pagkatapos, isuot niya ang kanyang damit pampari na purong lino: pang-ilalim na damit na tatakip sa kanyang kahubaran, ang kanyang sinturon, ang turban na lino, at ang kanyang panlabas na damit.
5Ang mamamayan ng Israel ay magbibigay sa kanya ng dalawang lalaking kambing bilang handog para sa kasalanan, at isang lalaking tupa bilang handog na sinusunog.
6“Ihahandog ni Aaron ang batang toro bilang handog para sa kasalanan para maging malinis siya at ang sambahayan niya.
7Pagkatapos, kukunin niya ang dalawang kambing at dadalhin din niya sa presensya ng Panginoon, malapit sa may pintuan ng Toldang Tipanan.