Leviticus 16

Kinakailangang maligo muna siya at pagkatapos, isuot niya ang kanyang damit pampari na purong lino: pang-ilalim na damit na tatakip sa kanyang kahubaran, ang kanyang sinturon, ang turban na lino, at ang kanyang panlabas na damit.

Leviticus 16:4 (UKJV) He shall put on the holy linen coat, and he shall have the linen breeches upon his flesh, and shall be girded with a linen girdle, and with the linen turban shall he be attired: these are holy garments; therefore shall he wash his flesh in water, and so put them on.

2Sinabi ng Panginoon kay Moises: “Sabihin mo sa kapatid mong si Aaron na huwag siyang papasok sa Pinakabanal na Lugar sa kabila ng kurtina, sa anumang oras na naisin niya. Kapag ginawa niya iyon, mamamatay siya. Sapagkat doon ako nagpapakita sa anyong ulap sa itaas ng takip ng Kahon ng Kasunduan.

3“Ganito ang gagawin ni Aaron sa araw na papasok siya sa Pinakabanal na Lugar: Magdadala siya ng batang toro bilang handog para sa kasalanan at lalaking tupa bilang handog na sinusunog.

4Kinakailangang maligo muna siya at pagkatapos, isuot niya ang kanyang damit pampari na purong lino: pang-ilalim na damit na tatakip sa kanyang kahubaran, ang kanyang sinturon, ang turban na lino, at ang kanyang panlabas na damit.

5Ang mamamayan ng Israel ay magbibigay sa kanya ng dalawang lalaking kambing bilang handog para sa kasalanan, at isang lalaking tupa bilang handog na sinusunog.

6“Ihahandog ni Aaron ang batang toro bilang handog para sa kasalanan para maging malinis siya at ang sambahayan niya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.