Leviticus 16

Sinabi ng Panginoon kay Moises: “Sabihin mo sa kapatid mong si Aaron na huwag siyang papasok sa Pinakabanal na Lugar sa kabila ng kurtina, sa anumang oras na naisin niya. Kapag ginawa niya iyon, mamamatay siya. Sapagkat doon ako nagpapakita sa anyong ulap sa itaas ng takip ng Kahon ng Kasunduan.

Leviticus 16:2 (UKJV) And the LORD said unto Moses, Speak unto Aaron your brother, that he comes not at all times into the holy place within the vail before the mercy seat, which is upon the ark; that he die not: for I will appear in the cloud upon the mercy seat.

1Nakipag-usap ang Panginoon kay Moises matapos mamatay ang dalawang anak na lalaki ni Aaron nang silaʼy basta na lang lumapit sa kinaroroonan ng presensya ng Panginoon at naghandog,

2Sinabi ng Panginoon kay Moises: “Sabihin mo sa kapatid mong si Aaron na huwag siyang papasok sa Pinakabanal na Lugar sa kabila ng kurtina, sa anumang oras na naisin niya. Kapag ginawa niya iyon, mamamatay siya. Sapagkat doon ako nagpapakita sa anyong ulap sa itaas ng takip ng Kahon ng Kasunduan.

3“Ganito ang gagawin ni Aaron sa araw na papasok siya sa Pinakabanal na Lugar: Magdadala siya ng batang toro bilang handog para sa kasalanan at lalaking tupa bilang handog na sinusunog.

4Kinakailangang maligo muna siya at pagkatapos, isuot niya ang kanyang damit pampari na purong lino: pang-ilalim na damit na tatakip sa kanyang kahubaran, ang kanyang sinturon, ang turban na lino, at ang kanyang panlabas na damit.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.