Leviticus 17

Ito ang dahilan kung bakit sinabi ng Panginoon sa inyong mga Israelita na hindi kayo dapat kumain ng dugo, gayundin ang sinumang dayuhang naninirahan sa inyo.

Leviticus 17:12 (UKJV) Therefore I said unto the children of Israel, No soul of you shall eat blood, neither shall any stranger that sojourns among you eat blood.

10“ ‘Ang sinuman sa inyo na kakain ng dugo ay magiging kalaban ng Panginoon at huwag na ninyong ituring na kababayan.

11Sapagkat ang buhay ng bawat nilalang ay nasa dugo nito at iniutos sa inyo ng Panginoon na ang dugo sa altar ay gamitin ninyo bilang pantubos sa inyong mga kasalanan, dahil ang dugo ang nagbibigay ng buhay, ang siyang pantubos ng tao sa kanyang mga kasalanan.

12Ito ang dahilan kung bakit sinabi ng Panginoon sa inyong mga Israelita na hindi kayo dapat kumain ng dugo, gayundin ang sinumang dayuhang naninirahan sa inyo.

13“ ‘Ang sinuman sa inyong huhuli ng hayop o ibon na maaaring kainin, dapat niyang patuluin ang dugo at tabunan ng lupa,

14dahil ang buhay ng bawat nilalang ay nasa kanyang dugo. Kaya nga sinabi sa inyo ng Panginoon na huwag kayong kakain ng dugo ng anumang nilalang. Ang sinuman sa inyong kakain ng dugo ay huwag na ninyong ituring na kababayan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.