Leviticus 17

Sapagkat ang buhay ng bawat nilalang ay nasa dugo nito at iniutos sa inyo ng Panginoon na ang dugo sa altar ay gamitin ninyo bilang pantubos sa inyong mga kasalanan, dahil ang dugo ang nagbibigay ng buhay, ang siyang pantubos ng tao sa kanyang mga kasalanan.

Leviticus 17:11 (UKJV) For the life of the flesh is in the blood: and I have given it to you upon the altar to make an atonement for your souls: for it is the blood that makes an atonement for the soul.

9sa halip na dalhin sa may pintuan ng Tolda upang ihandog sa Panginoon ay hindi na ituturing na bahagi ng sambayanan.

10“ ‘Ang sinuman sa inyo na kakain ng dugo ay magiging kalaban ng Panginoon at huwag na ninyong ituring na kababayan.

11Sapagkat ang buhay ng bawat nilalang ay nasa dugo nito at iniutos sa inyo ng Panginoon na ang dugo sa altar ay gamitin ninyo bilang pantubos sa inyong mga kasalanan, dahil ang dugo ang nagbibigay ng buhay, ang siyang pantubos ng tao sa kanyang mga kasalanan.

12Ito ang dahilan kung bakit sinabi ng Panginoon sa inyong mga Israelita na hindi kayo dapat kumain ng dugo, gayundin ang sinumang dayuhang naninirahan sa inyo.

13“ ‘Ang sinuman sa inyong huhuli ng hayop o ibon na maaaring kainin, dapat niyang patuluin ang dugo at tabunan ng lupa,

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.