7Kaya hindi na kayo dapat maghandog sa mga demonyo na mukhang kambing, dahil ito ang maglalayo sa inyo sa Panginoon. Ang tuntuning ito ay dapat ninyong sundin, kayo at ang susunod pang mga henerasyon.
8“ ‘Kayong mga Israelita at ang mga dayuhang naninirahang kasama ninyo, tandaan ninyo ito: “ ‘Ang sinuman sa inyo na maghahandog ng handog na sinusunog o anumang uri ng handog sa ibang lugar
9sa halip na dalhin sa may pintuan ng Tolda upang ihandog sa Panginoon ay hindi na ituturing na bahagi ng sambayanan.
10“ ‘Ang sinuman sa inyo na kakain ng dugo ay magiging kalaban ng Panginoon at huwag na ninyong ituring na kababayan.
11Sapagkat ang buhay ng bawat nilalang ay nasa dugo nito at iniutos sa inyo ng Panginoon na ang dugo sa altar ay gamitin ninyo bilang pantubos sa inyong mga kasalanan, dahil ang dugo ang nagbibigay ng buhay, ang siyang pantubos ng tao sa kanyang mga kasalanan.