6Iwiwisik ng pari ang dugo ng handog na hayop sa altar na pinaghahandugan para sa Panginoon malapit sa may pintuan ng Toldang Tipanan. Pagkatapos, susunugin niya ang taba ng mga hayop. Itoʼy handog na pagkaing nakalulugod ang samyo sa Panginoon.
7Kaya hindi na kayo dapat maghandog sa mga demonyo na mukhang kambing, dahil ito ang maglalayo sa inyo sa Panginoon. Ang tuntuning ito ay dapat ninyong sundin, kayo at ang susunod pang mga henerasyon.
8“ ‘Kayong mga Israelita at ang mga dayuhang naninirahang kasama ninyo, tandaan ninyo ito: “ ‘Ang sinuman sa inyo na maghahandog ng handog na sinusunog o anumang uri ng handog sa ibang lugar
9sa halip na dalhin sa may pintuan ng Tolda upang ihandog sa Panginoon ay hindi na ituturing na bahagi ng sambayanan.