1Sinabi ng Panginoon kay Moises,
2“Sabihin mo kay Aaron at sa mga anak niyang lalaki, at sa lahat ng mga Israelita: ‘Ito ang iniutos ng Panginoon:
3Ang sinuman sa inyo na maghahandog ng baka, tupa, o kambing sa ibang lugar,
4sa halip na sa Toldang Tipanan ay katulad ng taong nakapatay ng kapwa, kaya ititiwalag siya ng sambayanan. Ang tuntuning itoʼy ginawa para ang paghahandog ay gagawin ninyo malapit sa may pintuan ng Tolda at hindi sa ibang lugar. Ang inyong mga handog pangkapayapaan ay ibibigay ninyo sa pari na siyang maghahandog nito sa Panginoon.