Leviticus 18

Huwag kang sumiping sa babaeng may buwanang dalaw dahil itinuturing siyang marumi.

Leviticus 18:19 (UKJV) Also you shall not approach unto a woman to uncover her nakedness, as long as she is put apart for her uncleanness.

17Huwag kang sumiping sa anak o apo ng babaeng sinipingan mo noon, dahil baka anak o apo mo ʼyon. Ito ay kabuktutan.

18Huwag kang mag-asawa ng kapatid na babae ng iyong asawa habang buháy pa ang iyong asawa.

19Huwag kang sumiping sa babaeng may buwanang dalaw dahil itinuturing siyang marumi.

20Huwag kang sumiping sa asawa ng iba dahil kapag ginawa mo ito, ituturing kang marumi.

21Huwag mong ibibigay ang iyong anak para ihandog sa diyos-diyosang si Molec, dahil iyan ay paglapastangan sa aking pangalan na iyong Diyos. Ako ang Panginoon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.