20Huwag kang sumiping sa asawa ng iba dahil kapag ginawa mo ito, ituturing kang marumi.
21Huwag mong ibibigay ang iyong anak para ihandog sa diyos-diyosang si Molec, dahil iyan ay paglapastangan sa aking pangalan na iyong Diyos. Ako ang Panginoon.
22Huwag kang sumiping sa kapwa mo lalaki o kapwa mo babae dahil kasuklam-suklam ito.
23Huwag kang sumiping sa hayop dahil ito ay napakasama at ikaw ay ituturing na marumi kapag ginawa mo iyon.
24Huwag ninyong dungisan ang inyong sarili sa mga ganitong bagay dahil ito ang nagparumi sa mga taong pinaalis ko sa lupaing ibinigay ko sa inyo.