2na sabihin ito sa mga Israelita: Ako ang Panginoon na inyong Diyos.
3Huwag nʼyong gawin ang mga ginagawa ng mga taga-Ehipto, kung saan kayo tumira noon. Huwag din ninyong gayahin ang mga ginagawa ng mga taga-Canaan na pagdadalhan ko sa inyo.
4Dapat ninyong sundin ang aking mga utos at mga tuntunin dahil ang sinumang susunod dito ay mabubuhay. Ako ang Panginoon na inyong Diyos.
6Huwag kayong sumiping sa malapít ninyong kamag-anak. Ako ang Panginoon.