9Babawasan ito ng pari at ang ibinawas na iyon ay susunugin niya sa altar bilang palatandaan na ito ay handog sa Panginoon. Itoʼy handog na pagkaing nakalulugod ang samyo sa Panginoon.
10Ang natirang harina ay para kay Aaron at sa kanyang angkan, at ito ay napakabanal na bahagi mula sa pagkaing handog na inialay sa Panginoon.
11“ ‘Huwag kayong mag-alay sa Panginoon ng handog na pagkaing butil na may pampaalsa, dahil ang mga pampaalsa o pulot ay hindi dapat sinusunog bilang handog na pagkain para sa Panginoon.
12Maaari ninyong ialay sa Panginoon ang handog na pagkaing butil na may pampaalsa o pulot bilang handog mula sa unang ani, ngunit huwag ninyong susunugin sa altar bilang handog na pagkaing nakalulugod ang samyo.
13Lagyan ninyo ng asin ang lahat ng inyong handog na pagkaing butil, dahil ang asin ay tanda ng inyong walang hanggang kasunduan sa Panginoon. Kaya lagyan ninyo ng asin ang lahat ng inyong handog na pagkaing butil.