Leviticus 20

“Sabihin mo sa mga Israelita: ‘Ang sinuman sa inyo o sinuman sa mga dayuhang naninirahan kasama ninyo na maghahandog ng kanyang anak sa diyos-diyosang si Molec ay dapat batuhin ng taong-bayan hanggang sa mamatay.

Leviticus 20:2 (UKJV) Again, you shall say to the children of Israel, Whosoever he be of the children of Israel, or of the strangers that sojourn in Israel, that gives any of his seed unto Molech; he shall surely be put to death: the people of the land shall stone him with stones.

1Sinabi ng Panginoon kay Moises,

2“Sabihin mo sa mga Israelita: ‘Ang sinuman sa inyo o sinuman sa mga dayuhang naninirahan kasama ninyo na maghahandog ng kanyang anak sa diyos-diyosang si Molec ay dapat batuhin ng taong-bayan hanggang sa mamatay.

3Kasusuklaman ko ang taong iyon at ititiwalag ko siya sa inyong sambayanan. Sapagkat dahil sa paghahandog niya ng kanyang anak kay Molec, dinungisan niya ang aking santuwaryo at nilapastangan niya ang aking banal na pangalan.

4At kung hahayaan lamang ng taumbayan ang taong iyon na ihandog ang isa sa kanyang mga anak kay Molec at hindi nila ito papatayin,

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.