Leviticus 20

ako mismo ang uusig sa kanya, at sa sambahayan niya, at sa lahat ng sumusunod sa kanya sa paghahandog kay Molec. Pagtataksil ito sa akin kayaʼt ititiwalag ko sila sa sambayanan.’ ”

Leviticus 20:5 (UKJV) Then I will set my face against that man, and against his family, and will cut him off, and all that go a whoring after him, to commit whoredom with Molech, from among their people.

3Kasusuklaman ko ang taong iyon at ititiwalag ko siya sa inyong sambayanan. Sapagkat dahil sa paghahandog niya ng kanyang anak kay Molec, dinungisan niya ang aking santuwaryo at nilapastangan niya ang aking banal na pangalan.

4At kung hahayaan lamang ng taumbayan ang taong iyon na ihandog ang isa sa kanyang mga anak kay Molec at hindi nila ito papatayin,

5ako mismo ang uusig sa kanya, at sa sambahayan niya, at sa lahat ng sumusunod sa kanya sa paghahandog kay Molec. Pagtataksil ito sa akin kayaʼt ititiwalag ko sila sa sambayanan.’ ”

6“ ‘Kasusuklaman ko ang sinumang sumasangguni at sumusunod sa mga espiritistang kumakausap sa mga kaluluwa ng patay at sa mga manghuhula. Pinagtaksilan niya ako sa pagsunod sa mga ito kayaʼt ititiwalag ko siya sa sambayanan.

7“ ‘Italaga ninyo ang inyong sarili para sa akin at magpakabanal kayo dahil ako ang Panginoon na inyong Diyos.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.