Leviticus 20

“ ‘Kasusuklaman ko ang sinumang sumasangguni at sumusunod sa mga espiritistang kumakausap sa mga kaluluwa ng patay at sa mga manghuhula. Pinagtaksilan niya ako sa pagsunod sa mga ito kayaʼt ititiwalag ko siya sa sambayanan.

Leviticus 20:6 (UKJV) And the soul that turns after such as have familiar spirits, and after wizards, to go a whoring after them, I will even set my face against that soul, and will cut him off from among his people.

4At kung hahayaan lamang ng taumbayan ang taong iyon na ihandog ang isa sa kanyang mga anak kay Molec at hindi nila ito papatayin,

5ako mismo ang uusig sa kanya, at sa sambahayan niya, at sa lahat ng sumusunod sa kanya sa paghahandog kay Molec. Pagtataksil ito sa akin kayaʼt ititiwalag ko sila sa sambayanan.’ ”

6“ ‘Kasusuklaman ko ang sinumang sumasangguni at sumusunod sa mga espiritistang kumakausap sa mga kaluluwa ng patay at sa mga manghuhula. Pinagtaksilan niya ako sa pagsunod sa mga ito kayaʼt ititiwalag ko siya sa sambayanan.

7“ ‘Italaga ninyo ang inyong sarili para sa akin at magpakabanal kayo dahil ako ang Panginoon na inyong Diyos.

8Sundin ninyo ang aking mga tuntunin dahil ako ang Panginoon na nagtalaga sa inyo para maging bayan ko.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.