Leviticus 22

“ ‘Ngunit kung sa hindi inaasahang pangyayari ay may taong nakakain na hindi kabilang sa inyong sambahayan, dapat niyang palitan sa pari ang kanyang kinain at dadagdagan pa niya ng dalawampung porsiyento ang halaga noon.

Leviticus 22:14 (UKJV) And if a man eat of the holy thing unwittingly, then he shall put the fifth part thereof unto it, and shall give it unto the priest with the holy thing.

12Hindi rin maaaring kumain nito ang babaeng anak ng pari na nakapag-asawa ng hindi pari.

13Ngunit kung siyaʼy biyuda o hiwalay sa kanyang asawa at wala silang anak, at muli siyang tumira sa kanyang ama, siyaʼy maaaring kumain ng pagkaing tinatanggap ng kanyang ama bilang pari. Tandaan ninyong mabuti na kayong mga pari lang at ang inyong sambahayan ang maaaring kumain ng bahagi ng handog na para sa inyo.

14“ ‘Ngunit kung sa hindi inaasahang pangyayari ay may taong nakakain na hindi kabilang sa inyong sambahayan, dapat niyang palitan sa pari ang kanyang kinain at dadagdagan pa niya ng dalawampung porsiyento ang halaga noon.

15“ ‘Kayong mga pari, huwag ninyong dungisan ang mga banal na handog na inihahandog ng mga Israelita sa Panginoon.

16Huwag ninyo itong ipakain sa sinumang hindi kabilang sa inyong sambahayan at nang hindi sila magkasala at managot. Ako ang Panginoon at ibinukod ko kayo para maging banal.’ ”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.