13Ngunit kung siyaʼy biyuda o hiwalay sa kanyang asawa at wala silang anak, at muli siyang tumira sa kanyang ama, siyaʼy maaaring kumain ng pagkaing tinatanggap ng kanyang ama bilang pari. Tandaan ninyong mabuti na kayong mga pari lang at ang inyong sambahayan ang maaaring kumain ng bahagi ng handog na para sa inyo.
14“ ‘Ngunit kung sa hindi inaasahang pangyayari ay may taong nakakain na hindi kabilang sa inyong sambahayan, dapat niyang palitan sa pari ang kanyang kinain at dadagdagan pa niya ng dalawampung porsiyento ang halaga noon.
15“ ‘Kayong mga pari, huwag ninyong dungisan ang mga banal na handog na inihahandog ng mga Israelita sa Panginoon.
16Huwag ninyo itong ipakain sa sinumang hindi kabilang sa inyong sambahayan at nang hindi sila magkasala at managot. Ako ang Panginoon at ibinukod ko kayo para maging banal.’ ”
17Sinabi ng Panginoon kay Moises,