1Sinabi ng Panginoon kay Moises,
2“Sabihin mo kay Aaron at sa mga anak niyang lalaki na igalang nila ang mga handog na itinalaga sa akin ng mga Israelita, upang hindi nila lapastanganin ang banal kong pangalan. Ako ang Panginoon.
3“Sabihin mo sa kanila: ‘Mula ngayon at sa susunod pang mga henerasyon, kung may itinuturing na marumi sa inyong lahi na lalapit sa mga banal na handog na itinalaga ng mga Israelita sa kanilang Panginoon, hindi na siya makapaglilingkod pa bilang pari. Ako ang Panginoon.
4“ ‘Kung ang isang lahi ni Aaron ay may malubhang sakit sa balat o may sakit na tulo, hindi siya dapat kumain ng banal na handog hanggang sa siyaʼy maituring na malinis. Magiging marumi rin siya kapag nakahipo siya ng anumang bagay na nadikit sa patay, o ng taong nilabasan ng binhi,
5o nakahipo ng hayop o taong marumi.