Leviticus 22

“ ‘Kung ang isang lahi ni Aaron ay may malubhang sakit sa balat o may sakit na tulo, hindi siya dapat kumain ng banal na handog hanggang sa siyaʼy maituring na malinis. Magiging marumi rin siya kapag nakahipo siya ng anumang bagay na nadikit sa patay, o ng taong nilabasan ng binhi,

Leviticus 22:4 (UKJV) Whosoever of the seed of Aaron is a leper, or has a running issue; he shall not eat of the holy things, until he be clean. And whoso touches any thing that is unclean by the dead, or a man whose seed goes from him;

2“Sabihin mo kay Aaron at sa mga anak niyang lalaki na igalang nila ang mga handog na itinalaga sa akin ng mga Israelita, upang hindi nila lapastanganin ang banal kong pangalan. Ako ang Panginoon.

3“Sabihin mo sa kanila: ‘Mula ngayon at sa susunod pang mga henerasyon, kung may itinuturing na marumi sa inyong lahi na lalapit sa mga banal na handog na itinalaga ng mga Israelita sa kanilang Panginoon, hindi na siya makapaglilingkod pa bilang pari. Ako ang Panginoon.

4“ ‘Kung ang isang lahi ni Aaron ay may malubhang sakit sa balat o may sakit na tulo, hindi siya dapat kumain ng banal na handog hanggang sa siyaʼy maituring na malinis. Magiging marumi rin siya kapag nakahipo siya ng anumang bagay na nadikit sa patay, o ng taong nilabasan ng binhi,

5o nakahipo ng hayop o taong marumi.

6Ang sinumang makakahipo ng mga ganyan ay magiging marumi hanggang sa paglubog ng araw. Hindi siya maaaring kumain ng banal na handog maliban lamang kung siyaʼy nakaligo na.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.