Leviticus 22

Ang sinumang makakahipo ng mga ganyan ay magiging marumi hanggang sa paglubog ng araw. Hindi siya maaaring kumain ng banal na handog maliban lamang kung siyaʼy nakaligo na.

Leviticus 22:6 (UKJV) The soul which has touched any such shall be unclean until even, and shall not eat of the holy things, unless he wash his flesh with water.

4“ ‘Kung ang isang lahi ni Aaron ay may malubhang sakit sa balat o may sakit na tulo, hindi siya dapat kumain ng banal na handog hanggang sa siyaʼy maituring na malinis. Magiging marumi rin siya kapag nakahipo siya ng anumang bagay na nadikit sa patay, o ng taong nilabasan ng binhi,

5o nakahipo ng hayop o taong marumi.

6Ang sinumang makakahipo ng mga ganyan ay magiging marumi hanggang sa paglubog ng araw. Hindi siya maaaring kumain ng banal na handog maliban lamang kung siyaʼy nakaligo na.

7Kapag lumubog na ang araw, maituturing na siyang malinis at saka pa lang siya makakakain ng mga banal na handog na pagkain niya bilang pari.

8Hindi kayo dapat kumain ng alinmang karne ng namatay na hayop o pinatay ng kapwa hayop, dahil kapag ginawa ninyo ito, kayoʼy ituturing na marumi. Ako ang Panginoon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.