2“Sabihin mo ito sa mga Israelita: ‘Ito ang mga pistang pinili ng Panginoon na dapat ninyong itakda bilang araw ng pagtitipon at pagsamba ninyo sa kanya.
3“ ‘May anim na araw kayo para magtrabaho, ngunit sa ikapitong araw ay magpahinga kayo, dahil ito ang Araw ng Pamamahinga. Huwag kayong magtrabaho sa araw na ito, sa halip ay magtipon kayo upang sumamba dahil ito ang araw para magpuri sa Panginoon.
4“ ‘Ito ang mga natatanging araw na pinili ng Panginoon na dapat magtipon ang mga Israelita para sumamba sa akin.
5Ang Pista ng Paglampas ng Anghel na ginaganap sa gabi nang ika-14 na araw ng unang buwan.
6At sa ika-15 araw ng buwan ding iyon, magsisimula naman ang Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa. Pitong araw ang pistang ito at sa mga araw na iyon, ang tinapay na kakainin ninyo ay dapat walang pampaalsa.