Leviticus 23

“Sabihin mo ito sa mga Israelita: ‘Ito ang mga pistang pinili ng Panginoon na dapat ninyong itakda bilang araw ng pagtitipon at pagsamba ninyo sa kanya.

Leviticus 23:2 (UKJV) Speak unto the children of Israel, and say unto them, Concerning the feasts of the LORD, which all of you shall proclaim to be holy convocations, even these are my feasts.

1Sinabi ng Panginoon kay Moises,

2“Sabihin mo ito sa mga Israelita: ‘Ito ang mga pistang pinili ng Panginoon na dapat ninyong itakda bilang araw ng pagtitipon at pagsamba ninyo sa kanya.

3“ ‘May anim na araw kayo para magtrabaho, ngunit sa ikapitong araw ay magpahinga kayo, dahil ito ang Araw ng Pamamahinga. Huwag kayong magtrabaho sa araw na ito, sa halip ay magtipon kayo upang sumamba dahil ito ang araw para magpuri sa Panginoon.

4“ ‘Ito ang mga natatanging araw na pinili ng Panginoon na dapat magtipon ang mga Israelita para sumamba sa akin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.