Leviticus 24

May isang tao noon na ang ama ay isang Ehipsiyo at ang ina ay Israelita. (Ang kanyang ina ay si Shelomit na anak ni Dibri na mula sa lahi ni Dan.) Siyaʼy nakipag-away sa isang Israelita roon sa kampo, at nilapastangan niya ang pangalan ng Panginoon. Kaya dinala nila siya kay Moises,

Leviticus 24:10 (UKJV) And the son of an Israelites woman, whose father was an Egyptian, went out among the children of Israel: and this son of the Israelites woman and a man of Israel strove together in the camp;

8Dapat laging maglagay ng tinapay sa presensya ng Panginoon tuwing Araw ng Pamamahinga. Itoʼy tungkulin ninyong mga Israelita magpakailanman.

9Ang mga tinapay na itoʼy para kay Aaron at sa kanyang angkan. Kakainin nila ito sa banal na lugar sa bakuran ng santuwaryo, dahil ito ang napakabanal na bahagi ng mga handog sa pamamagitan ng apoy para sa Panginoon, at itoʼy para sa kanila magpakailanman.”

10May isang tao noon na ang ama ay isang Ehipsiyo at ang ina ay Israelita. (Ang kanyang ina ay si Shelomit na anak ni Dibri na mula sa lahi ni Dan.) Siyaʼy nakipag-away sa isang Israelita roon sa kampo, at nilapastangan niya ang pangalan ng Panginoon. Kaya dinala nila siya kay Moises,

12at ikinulong nila siya hanggang sa malaman nila kung ano ang kalooban ng Panginoon na gawin sa kanya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.