26Kukulangin kayo ng pagkain, kaya iisang kalan ang paglulutuan ng tinapay ng sampung babae at iyon ay paghahati-hatian pa ninyo. Makakakain nga kayo pero hindi kayo mabubusog.
27“ ‘At kung hindi pa rin kayo makikinig at patuloy pang susuway sa akin,
28magagalit na ako sa inyo at kakalabanin ko kayo, at parurusahan ko kayo ng pitong beses.
29Mapipilitan kayong kumain ng sarili ninyong anak dahil sa gutom.
30Wawasakin ko ang inyong mga sambahan sa matataas na lugar, pati na ang mga altar na sunugan ng insenso. Itatapon ko ang inyong mga bangkay sa ibabaw ng mga diyos-diyosan ninyong walang buhay at itatakwil ko kayo.