Leviticus 26

“ ‘At kung hindi pa rin kayo makikinig at patuloy pang susuway sa akin,

Leviticus 26:27 (UKJV) And if all of you will not for all this hearken unto me, but walk contrary unto me;

25Ipapasalakay ko kayo sa inyong mga kalaban para parusahan kayo dahil sa inyong pagsuway sa kasunduan natin. Kahit na magtago kayo sa loob ng inyong lungsod, padadalhan ko pa rin kayo ng salot. At dahil dito, mapipilitan kayong sumuko sa inyong mga kalaban.

26Kukulangin kayo ng pagkain, kaya iisang kalan ang paglulutuan ng tinapay ng sampung babae at iyon ay paghahati-hatian pa ninyo. Makakakain nga kayo pero hindi kayo mabubusog.

27“ ‘At kung hindi pa rin kayo makikinig at patuloy pang susuway sa akin,

28magagalit na ako sa inyo at kakalabanin ko kayo, at parurusahan ko kayo ng pitong beses.

29Mapipilitan kayong kumain ng sarili ninyong anak dahil sa gutom.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.