Leviticus 26

“ ‘Kung susundin ninyo ang aking mga tuntunin at mga utos,

Leviticus 26:3 (UKJV) If all of you walk in my statutes, and keep my commandments, and do them;

1“ ‘Huwag kayong gagawa ng mga diyos-diyosang katulad ng mga inukit na imahen, mga alaalang bato, o batong may larawan para sambahin, dahil ako ang Panginoon na inyong Diyos.

2“ ‘Sundin ninyo ang ipinapagawa ko sa inyo sa Araw ng Pamamahinga at igalang ninyo ang aking santuwaryo. Ako ang Panginoon.

3“ ‘Kung susundin ninyo ang aking mga tuntunin at mga utos,

4pauulanin ko sa inyong lugar sa tamang panahon para umani ng sagana ang lupain ninyo at mamunga ng marami ang mga punongkahoy.

5Kaya gigiik kayo ng mga butil hanggang sa panahon ng pamimitas ng ubas, at ang pamimitas naman ng ubas ay magpapatuloy hanggang sa panahon ng paghahasik. Kaya magiging sagana kayo sa inyong pagkain at mamumuhay kayong payapa sa inyong lupain.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.