32Wawasakin ko ang inyong lupain at magtataka ang inyong mga kalaban na sasakop nito.
33Pasasapitin ko sa inyo ang digmaan at pangangalatin ko kayo sa mga bansa. Mawawasak at magiging walang silbi ang inyong mga bayan at mga lungsod.
34Habang bihag kayo ng inyong mga kalaban sa ibang lugar, makakapagpahinga na ang inyong lupain. Sapagkat noong nakatira pa kayo sa inyong lupain, hindi ninyo ito pinagpahinga kahit na sa panahon ng pagpapahinga ng inyong lupain. Ngunit ngayon ay makakapagpahinga na ito habang nasa ibang lugar kayo.
36“ ‘Kayong mga natitirang buháy na binihag at dinala ng inyong mga kalaban sa kanilang lugar ay padadalhan ko ng labis na pagkatakot. At kahit na kaluskos lang ng dahon sa ihip ng hangin ay katatakutan ninyo, tatakas kayong parang hinahabol upang patayin, kahit walang humahabol sa inyo. At habang tumatakas kayo, magbabanggaan kayo at magkakandarapa. Hindi kayo makakalaban sa inyong mga kalaban.