31Wawasakin ko ang inyong mga lungsod at mga sambahan. At hindi na ako malulugod sa samyo ng inyong mga handog.
32Wawasakin ko ang inyong lupain at magtataka ang inyong mga kalaban na sasakop nito.
33Pasasapitin ko sa inyo ang digmaan at pangangalatin ko kayo sa mga bansa. Mawawasak at magiging walang silbi ang inyong mga bayan at mga lungsod.
34Habang bihag kayo ng inyong mga kalaban sa ibang lugar, makakapagpahinga na ang inyong lupain. Sapagkat noong nakatira pa kayo sa inyong lupain, hindi ninyo ito pinagpahinga kahit na sa panahon ng pagpapahinga ng inyong lupain. Ngunit ngayon ay makakapagpahinga na ito habang nasa ibang lugar kayo.