29Mapipilitan kayong kumain ng sarili ninyong anak dahil sa gutom.
30Wawasakin ko ang inyong mga sambahan sa matataas na lugar, pati na ang mga altar na sunugan ng insenso. Itatapon ko ang inyong mga bangkay sa ibabaw ng mga diyos-diyosan ninyong walang buhay at itatakwil ko kayo.
31Wawasakin ko ang inyong mga lungsod at mga sambahan. At hindi na ako malulugod sa samyo ng inyong mga handog.
32Wawasakin ko ang inyong lupain at magtataka ang inyong mga kalaban na sasakop nito.
33Pasasapitin ko sa inyo ang digmaan at pangangalatin ko kayo sa mga bansa. Mawawasak at magiging walang silbi ang inyong mga bayan at mga lungsod.