38Mamamatay kayo sa lugar ng inyong mga kalaban.
39At ang matitira sa inyoʼy unti-unting mamamatay dahil sa inyong mga kasalanan at sa mga kasalanan ng inyong mga ninuno.
40“ ‘Dahil sa inyong pagtataksil at pagsuway sa akin, kinalaban ko kayo at ipinabihag sa inyong mga kalaban. Ngunit kung ipapahayag ninyo ang inyong mga kasalanan at ang kasalanan ng inyong mga ninuno, at titigilan na ang inyong pagmamatigas, at tatanggapin ang mga parusa para sa inyong mga kasalanan,
42tutuparin ko ang kasunduan ko sa inyong mga ninuno na sina Abraham, Isaac, at Jacob at ibabalik ko kayo sa inyong lupain.