Leviticus 26

Kayo ang sasalakay sa inyong mga kalaban at papatayin ninyo sila.

Leviticus 26:7 (UKJV) And all of you shall chase your enemies, and they shall fall before you by the sword.

5Kaya gigiik kayo ng mga butil hanggang sa panahon ng pamimitas ng ubas, at ang pamimitas naman ng ubas ay magpapatuloy hanggang sa panahon ng paghahasik. Kaya magiging sagana kayo sa inyong pagkain at mamumuhay kayong payapa sa inyong lupain.

6“ ‘Bibigyan ko ng kapayapaan ang inyong lupain kaya makakatulog kayo nang walang kinatatakutan. Palalayasin ko ang mababangis na hayop sa inyong lugar, at walang kalaban na sasalakay sa inyo.

7Kayo ang sasalakay sa inyong mga kalaban at papatayin ninyo sila.

8Tatalunin ng lima sa inyo ang isang daan, at ang isang daan sa inyo ay tatalunin ang sampung libo.

9“ ‘Iingatan ko kayo at pararamihin para matupad ko ang aking pangako sa inyo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.