Leviticus 26

“ ‘Bibigyan ko ng kapayapaan ang inyong lupain kaya makakatulog kayo nang walang kinatatakutan. Palalayasin ko ang mababangis na hayop sa inyong lugar, at walang kalaban na sasalakay sa inyo.

Leviticus 26:6 (UKJV) And I will give peace in the land, and all of you shall lie down, and none shall make you afraid: and I will rid evil beasts out of the land, neither shall the sword go through your land.

4pauulanin ko sa inyong lugar sa tamang panahon para umani ng sagana ang lupain ninyo at mamunga ng marami ang mga punongkahoy.

5Kaya gigiik kayo ng mga butil hanggang sa panahon ng pamimitas ng ubas, at ang pamimitas naman ng ubas ay magpapatuloy hanggang sa panahon ng paghahasik. Kaya magiging sagana kayo sa inyong pagkain at mamumuhay kayong payapa sa inyong lupain.

6“ ‘Bibigyan ko ng kapayapaan ang inyong lupain kaya makakatulog kayo nang walang kinatatakutan. Palalayasin ko ang mababangis na hayop sa inyong lugar, at walang kalaban na sasalakay sa inyo.

7Kayo ang sasalakay sa inyong mga kalaban at papatayin ninyo sila.

8Tatalunin ng lima sa inyo ang isang daan, at ang isang daan sa inyo ay tatalunin ang sampung libo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.