Leviticus 27

“ ‘Ang anumang bagay na lubusang itinalaga sa Panginoon ay hindi na maaaring ipagbili o tubusin maging itoʼy tao o hayop o lupaing minana dahil iyon ay itinalaga na bilang napakabanal na handog sa Panginoon.

Leviticus 27:28 (UKJV) Notwithstanding no devoted thing, that a man shall devote unto the LORD of all that he has, both of man and beast, and of the field of his possession, shall be sold or redeemed: every devoted thing is most holy unto the LORD.

26“ ‘Ang panganay na anak ng hayop ay sa Panginoon na, kaya itoʼy hindi na maaaring ihandog sa kanya. Ito ay sa Panginoon, maging baka man ito o tupa.

27Ngunit kung ang hayop ay itinuturing na marumi, iyon ay maaaring tubusin ng may-ari. Babayaran niya ang halaga ng hayop at dadagdagan pa niya ng dalawampung porsiyento ng halaga nito. Ngunit kung iyon ay hindi tutubusin ng may-ari, ipagbibili iyon ng pari ayon sa itinakdang halaga.

28“ ‘Ang anumang bagay na lubusang itinalaga sa Panginoon ay hindi na maaaring ipagbili o tubusin maging itoʼy tao o hayop o lupaing minana dahil iyon ay itinalaga na bilang napakabanal na handog sa Panginoon.

29“ ‘Ang taong lubusang inihandog sa Panginoon ay hindi na maaaring tubusin. Dapat siyang patayin.

30“ ‘Ang ikasampung bahagi ng lahat ng ani ay sa Panginoon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.