27Ngunit kung ang hayop ay itinuturing na marumi, iyon ay maaaring tubusin ng may-ari. Babayaran niya ang halaga ng hayop at dadagdagan pa niya ng dalawampung porsiyento ng halaga nito. Ngunit kung iyon ay hindi tutubusin ng may-ari, ipagbibili iyon ng pari ayon sa itinakdang halaga.
28“ ‘Ang anumang bagay na lubusang itinalaga sa Panginoon ay hindi na maaaring ipagbili o tubusin maging itoʼy tao o hayop o lupaing minana dahil iyon ay itinalaga na bilang napakabanal na handog sa Panginoon.
29“ ‘Ang taong lubusang inihandog sa Panginoon ay hindi na maaaring tubusin. Dapat siyang patayin.
30“ ‘Ang ikasampung bahagi ng lahat ng ani ay sa Panginoon.
31Kung tutubusin ng sinuman ang ikasampung bahagi ng kanyang ani, kinakailangan niyang bayaran ang halaga at dadagdagan pa ng dalawampung porsiyento ng halaga nito.