8ipapatong ninyo ang inyong kamay sa ulo ng tupa at papatayin ninyo ito sa harap ng Toldang Tipanan. Pagkatapos, iwiwisik ng mga anak ni Aaron ang dugo ng handog sa paligid ng altar.
9At mula sa handog pangkapayapaan na itoʼy kukuha kayo ng pagkaing handog na susunugin para sa Panginoon; ang mga taba, ang buntot na mataba na sagad sa gulugod ang pagkakaputol, ang lahat ng taba sa lamang-loob,
10ang mga bato at ang taba nito, pati na ang maliit na bahagi ng atay.
11Ang lahat ng itoʼy susunugin ng pari sa altar bilang handog na pagkain. Itoʼy handog sa pamamagitan ng apoy para sa Panginoon.
12“ ‘Kung mag-aalay naman kayo ng kambing, dadalhin ninyo ito sa harapan ng Panginoon;