Leviticus 3

“ ‘Kung mag-aalay naman kayo ng kambing, dadalhin ninyo ito sa harapan ng Panginoon;

Leviticus 3:12 (UKJV) And if his offering be a goat, then he shall offer it before the LORD.

10ang mga bato at ang taba nito, pati na ang maliit na bahagi ng atay.

11Ang lahat ng itoʼy susunugin ng pari sa altar bilang handog na pagkain. Itoʼy handog sa pamamagitan ng apoy para sa Panginoon.

12“ ‘Kung mag-aalay naman kayo ng kambing, dadalhin ninyo ito sa harapan ng Panginoon;

13ipapatong ninyo ang inyong kamay sa ulo ng kambing at papatayin ninyo sa harap ng Toldang Tipanan. Pagkatapos, iwiwisik ng mga anak ni Aaron ang dugo nito sa palibot ng altar.

14Mula sa handog na ito, kukuha ang pari ng bahagi na susunugin niya para sa Panginoon. Kukunin niya ang lahat ng taba sa lamang-loob,

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.