Leviticus 3

Mula sa handog na ito, kukuha ang pari ng bahagi na susunugin niya para sa Panginoon. Kukunin niya ang lahat ng taba sa lamang-loob,

Leviticus 3:14 (UKJV) And he shall offer thereof his offering, even an offering made by fire unto the LORD; the fat that covers the inwards, and all the fat that is upon the inwards,

12“ ‘Kung mag-aalay naman kayo ng kambing, dadalhin ninyo ito sa harapan ng Panginoon;

13ipapatong ninyo ang inyong kamay sa ulo ng kambing at papatayin ninyo sa harap ng Toldang Tipanan. Pagkatapos, iwiwisik ng mga anak ni Aaron ang dugo nito sa palibot ng altar.

14Mula sa handog na ito, kukuha ang pari ng bahagi na susunugin niya para sa Panginoon. Kukunin niya ang lahat ng taba sa lamang-loob,

15ang mga bato at ang taba nito, pati na ang maliit na bahagi ng atay.

16Susunugin ng pari ang mga ito sa altar bilang handog na pagkaing nakalulugod ang samyo. Ang lahat ng taba ay sa Panginoon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.