1“ ‘Kapag may mag-aalay ng hayop mula sa kawan bilang handog pangkapayapaan, kinakailangang ang iaalay niya sa harapan ng Panginoon ay isang hayop na walang kapintasan.
2Ipapatong niya ang kanyang kamay sa ulo ng baka na ihahandog niya at pagkatapos, papatayin niya sa may pintuan ng Toldang Tipanan. At iwiwisik ng mga anak ni Aaron na mga pari ang dugo nito sa paligid ng altar.
3Mula sa handog pangkapayapaan, kukuha ang nag-alay ng bahagi na susunugin para sa Panginoon. Kukunin niya ang lahat ng taba na nasa loob ng tiyan at ang tabang nakadikit sa lamang-loob,
4ang mga bato at ang taba nito, pati na ang maliit na bahagi ng atay.