4ang mga bato at ang taba nito, pati na ang maliit na bahagi ng atay.
5Ang mga itoʼy susunugin ng mga anak ni Aaron sa altar kasama ng handog na sinusunog. Itoʼy handog na pagkaing nakalulugod ang samyo sa Panginoon.
6“ ‘Kung mag-aalay kayo sa Panginoon ng hayop mula sa kawan bilang handog pangkapayapaan, puwedeng lalaki ito o babae, ngunit wala dapat itong kapintasan.
7Kung mag-aalay kayo ng tupa sa Panginoon,
8ipapatong ninyo ang inyong kamay sa ulo ng tupa at papatayin ninyo ito sa harap ng Toldang Tipanan. Pagkatapos, iwiwisik ng mga anak ni Aaron ang dugo ng handog sa paligid ng altar.