9ang mga bato at ang taba nito, pati na ang maliit na bahagi ng atay.
10Ganito rin ang gagawin sa hayop na handog pangkapayapaan. Pagkatapos, ang mga itoʼy susunugin ng pari sa altar kung saan sinusunog ang handog na sinusunog.
11Ngunit ang natitirang bahagi ng hayop, katulad ng balat, laman, ulo, mga paa at nasa loob ng tiyan, pati na ang lamang-loob, ay dadalhin sa labas ng kampo at susunugin sa lumalagablab na siga ng mga kahoy, doon sa itinuturing na malinis na lugar na pinagtatapunan ng abo.
13“ ‘Kung ang buong mamamayan ng Israel ay lalabag sa utos ng Panginoon nang di-sinasadya, sila ay nagkasala pa rin kahit hindi nila ito nalalaman.