1Sinabi ng Panginoon kay Moises,
2“Sabihin mo ang mga tuntuning ito sa mga Israelita. Ganito ang gagawin ninyo sa taong nagkasala nang di-sinasadya, kung saan ay nakalabag siya ng alin man sa mga utos ng Panginoon:
3“ ‘Kung ang punong pari ang nagkasala nang di-sinasadya at dahil dito ay nadamay ang mga tao, maghahandog siya sa Panginoon ng isang batang toro na walang kapintasan bilang handog para sa kasalanan.
4Dadalhin niya ang toro sa presensya ng Panginoon doon sa pintuan ng Toldang Tipanan. At ipapatong niya ang kanyang kamay sa ulo ng toro at saka niya ito papatayin.
5Kukuha ng dugo ng toro ang punong pari at dadalhin niya sa loob ng Tolda.