Leviticus 4

Ilulubog niya ang kanyang daliri sa dugo at iwiwisik ng pitong beses sa harap ng kurtina na tumatabing sa Pinakabanal na Lugar, sa presensya ng Panginoon.

Leviticus 4:6 (UKJV) And the priest shall dip his finger in the blood, and sprinkle of the blood seven times before the LORD, before the vail of the sanctuary.

4Dadalhin niya ang toro sa presensya ng Panginoon doon sa pintuan ng Toldang Tipanan. At ipapatong niya ang kanyang kamay sa ulo ng toro at saka niya ito papatayin.

5Kukuha ng dugo ng toro ang punong pari at dadalhin niya sa loob ng Tolda.

6Ilulubog niya ang kanyang daliri sa dugo at iwiwisik ng pitong beses sa harap ng kurtina na tumatabing sa Pinakabanal na Lugar, sa presensya ng Panginoon.

7Pagkatapos, papahiran niya ng dugo ang parang sungay sa mga sulok ng altar kung saan sinusunog ang insenso sa loob ng Tolda sa harapan ng Panginoon. At ang natitirang dugo ng toro ay ibubuhos niya sa ilalim ng altar na kung saan sinusunog ang ng handog na sinusunog. Ang altar na itoʼy malapit sa pintuan ng Tolda.

8Pagkatapos, kukunin niya ang lahat ng taba sa lamang-loob ng toro,

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.