5Kukuha ng dugo ng toro ang punong pari at dadalhin niya sa loob ng Tolda.
6Ilulubog niya ang kanyang daliri sa dugo at iwiwisik ng pitong beses sa harap ng kurtina na tumatabing sa Pinakabanal na Lugar, sa presensya ng Panginoon.
7Pagkatapos, papahiran niya ng dugo ang parang sungay sa mga sulok ng altar kung saan sinusunog ang insenso sa loob ng Tolda sa harapan ng Panginoon. At ang natitirang dugo ng toro ay ibubuhos niya sa ilalim ng altar na kung saan sinusunog ang ng handog na sinusunog. Ang altar na itoʼy malapit sa pintuan ng Tolda.
8Pagkatapos, kukunin niya ang lahat ng taba sa lamang-loob ng toro,
9ang mga bato at ang taba nito, pati na ang maliit na bahagi ng atay.