Leviticus 5

“Kapag ang isang taoʼy lumabag sa utos ng Panginoon dahil nakalimutan niyang ibigay ang alin man sa mga bagay na nauukol sa Panginoon, kailangang mag-alay siya ng lalaking tupa na walang kapintasan bilang kabayaran ng kanyang pagkakasala. Maaari rin siyang magbayad ng pilak na katumbas ng halaga ng lalaking tupa ayon sa pamantayan ng Tabernakulo. Itoʼy handog bilang kabayaran ng pagkakasala.

Leviticus 5:15 (UKJV) If a soul commit a trespass, and sin through ignorance, in the holy things of the LORD; then he shall bring for his trespass unto the LORD a ram without blemish out of the flocks, with your estimation by shekels of silver, after the shekel of the sanctuary, for a trespass offering.

13Sa pamamagitan ng gagawing ito ng pari, matutubos ang tao sa anumang kasalanang nagawa niya at siyaʼy patatawarin. Ang natirang handog na harina ay sa pari na, gaya ng ginagawa sa handog na pagkaing butil.’ ”

14Ibinigay din ng Panginoon ang utos na ito kay Moises:

15“Kapag ang isang taoʼy lumabag sa utos ng Panginoon dahil nakalimutan niyang ibigay ang alin man sa mga bagay na nauukol sa Panginoon, kailangang mag-alay siya ng lalaking tupa na walang kapintasan bilang kabayaran ng kanyang pagkakasala. Maaari rin siyang magbayad ng pilak na katumbas ng halaga ng lalaking tupa ayon sa pamantayan ng Tabernakulo. Itoʼy handog bilang kabayaran ng pagkakasala.

16Kinakailangan niyang bayaran ang hindi niya naibigay na nauukol sa Panginoon, at dadagdagan pa niya ng 20 porsiyento ng halagang hindi niya naibigay. Ibibigay niyang lahat ito sa paring maghahandog ng tupa bilang kabayaran ng kanyang pagkakasala at siyaʼy patatawarin.

17“Kung may tao namang lumabag sa utos ng Panginoon nang hindi niya nalalaman, siyaʼy nagkasala pa rin at may pananagutan sa Panginoon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.